***
ang tema ng litratong pinoy sa linggong ito ay maalaala mo kaya? at ang larawan sa ibaba ay larawan ng mga bata na kuha noong kanilang unang bisita sa pilipinas nitong taong ito. ito ay unang bisita ni gabie at mikee. huling nakapunta ng pilipinas si miggy noong 2003 at 2 taon gulang pa lamang siya. dahil dito, ang punta nilang ito sa pilipinas ay talagang memorable dahil marami silang nakilala sa unang pagkakataon. noon lamang nila nakilala ang kanilang mga pinsan at lolo at lola at pati na din si jollibee!
maalaala mo rin kaya ang awiting ito?
bahay kubo, kahit munti
ang halaman doon ay sari-sari
singkamas at talong
sigarilyas at mani
sitaw, bataw, patani
kundol, patola, upo't kalabasa
at saka meron pang
labanos, mustasa
sibuyas, kamatis
bawang at luya
sa paligid ligid
ay maraming linga
^_^
2 comments:
ang litrato ay parang bagong-bago:)
at maganda rin po ang post nyo:)
tlgang may "family values"
maligayang LP
ang galing =] salamat sa pagsisikap na makilala ng iyong pamilya ang kanilang pinagmulan =] mabuhay kayong lahat!
Post a Comment